text
stringlengths 0
13.1k
|
---|
Isang dayuhan na commentator ang binabatikos ngayon ng netizens matapos ihalintulad sa basura si Pangulong Rodrigo Duterte. Nag-ugat ang isyu matapos i-retweet ni Keith Olbermann ang balita ng CNN Philippines na ipapadala ng Pangulo ang basurang tinambak ng Canada sa Pilipinas pabalik sa naturang bansa. Saad ni Olbermann ay kung ipapadala ba ng Pangulo ang kanyang sarili sa Canada, tila sinasabing ang Pangulo ang pinapatungkulan bilang basura. Si Olbermann ay sports at political commentator ng ESPN, at kilala sa mga pambabatikos nito sa ilang matataas na indibidwal gaya ni dating United States President George Bush at incumbent President Donald Trump. Mababatid na naglabas ng utos ang Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na maghanap ng pribadong shipping company na magtatapon ng basura sa territorial waters ng Canada kung hindi nito tatanggapin ang kanilang basura. Ayon naman kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, noong May 15 pa dapat ang deadline ng Canada para kuhain pabalik sa kanila ang basura pero hindi ito tumupad, dahilan para umano magalit ang Pangulo. |
Inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na posibleng bumalik ulit sa kulungan si Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa mga paninira nito patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Panelo, "destroyer of reputation" si Trillanes dahil sa mga paratang nito sa Pangulo. Dagdag pa ni Panelo, ang pagbaba ni Trillanes sa Senado ay isang regalo para sa mga Pilipino na sumusuporta sa administrasyon. Magtatapos ang termino ni Trillanes sa darating na katapusan ng Hunyo na may ipinakita umanong karakter bilang taga-sira ng reputasyon ng mga tao. "Mr. Trillanes' greater service to the nation is his mandatory exit from the Senate where he distinguished himself as a destroyer of reputations of people, including causing the self-extinction of a gentleman military officer whom he disrespected and humiliated before the nation," pahayag ni Panelo. "While many will wish Mr. Trillanes good riddance as he is about to leave the hallowed halls of the Senate at the end of June of this year, we will instead wish him luck as he faces another prospect of being placed behind bars again as the self-confessed black propagandist turns against his master, even as his victims look forward to seeing the Senate, or better yet the Government, without the cantankerously obnoxious coup plotter," dagdag niya. |
Inamin ni Sen. Antonio Trillanes IV na lumapit sa kanya si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy at nagpresinta ng ilang impormasyon kaugnay sa pagkakaugnay sa droga ng ilang malalapit na tao kay Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, sinamahan si Advincula ng ilang pari noong 2018, dahil natatakot daw itong balikan ng mga kasamahan niya sa sindikato. Ang mga paring iyun din umano ang nagbigay ng ilang mga impormasyon tulad ng bank accounts ng ilang personalidad na sangkot sa narco politics. Pero hindi umano pumasa si Advincula sa pamantayan upang maging whistleblower, kaya hindi na niya ito kinausap at binigyan pa ng atensyon. Pinabulaanan rin ni Trillanes na kasangkot siya sa anumang plano na pabagsakin ang administrasyong Duterte tulad ng mga naging pahayag ni Advincula. "Uulitin ko, wala akong kinalaman sa paggawa ng mga videos na 'yun. To my PMAer upperclassmen here, All Right, sir. Malamang siya rin ang gumawa ng mga video na 'yan. To be fair, maganda nga po ang pagkakagawa ni Bikoy ng mga video at nakakuha ito ng atensyon ng publiko," sabi ni Trillanes. |
Inamin ni Sen. Antonio Trillanes IV na nagkita sila ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy noong 2018 hinggil umano sa drug links ng pamilya Duterte sa droga, ngunit bumagsak ito sa vetting process. Sa isang privilege speech sa Senado, sinabi ni Trillanes na nabigo si Advincula na mapanatunayang puwede siyang maging testigo. Aniya, isang grupo ng pari ang nagsabi sa kanya noong August 2018 hinggil kay Advincula na humingi ng tulong upang itago siya dahil may banta sa kanyang buhay. Sinabi pa ni Trillanes na pinakinggan niya si Advincula ngunit ibanasura niya ito dahil maraming detalye ang nabigo niyang maibigay. "Unang inilapit sa akin si Bikoy ng mga pari noong August last year. Ayon sa kanila, ito raw si Bikoy ay humingi sa kanila ng sanctuary dahil siya raw ay papatayin ng mga taga-sindikato na involved sa illegal drugs. Pinakinggan ko siya subalit nakulangan ako at naguluhan sa mga detalye kaya isinantabi ko at tuluyan nang kinalimutan ang usapang ito," aniya. "The fact na hindi ko siya inilabas dito ibig sabihin hindi siya nakapasa sa aming vetting process at lalong hindi ko siya kinupkop... Sa awa ng Diyos, hindi pa ako nasusunog sa mga nilabas ko," dagdag pa niya Iginiit pa ni Trillanes na abala siya noong panahon ng September sa media matapos bawiin ang kanyang amnestiya at nagpalabas ng warrant of arrest ang korte. Ayon pa kay Trillanes na iyong grupo ng pari na nagkanlong kay Advincula na muling lumapit sa kanya upang patotohanan ang alegasyon dala ang mga sinasabing dokumento. Ngunit, ayon kay Trillanes nabigo din na mapatunayan na may katotohanan ang dokumentong dala ni Advincula. "Uulitin ko, wala akong kinalaman sa paglabas ng mga videos na 'yun. To my PMA upperclassmen here, alright, sir," aniya. Samantala, wala nang kasamahan sa Senado na nagtanong kay Trillanes matapos ang nasabing privilege speech. HAPPENING NOW: SENATOR ANTONIO TRILLANES DELIVERS PRIVILEGE SPEECH, ADDRESSES "BIKOY" ALLEGATIONS |
Lupa at bahay ang regalo ni Pangulong Duterte kay Cadet First Class Dione Mae Umalla na nagtapos bilang valedictorian sa Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019. Personal na inabot ng Pangulo ang certificate ng house and lot kay Umalla sa graduation rites ng PMA sa Fort del Pilar sa Baguio City. Tumanggap din si Umalla ng Presidential Saber at 13 awards bilang top grad ng Mabalasik Class. Nangunguna si Umalla sa 260 kadete na ginawaran ng Pangulo ng ranggong 2nd Lieutenant para sa mga papasok sa Philippine Army at Air Force at Ensign naman sa mga papasok sa Philippine Navy. Karaniwan nang binibigyan ng regalo ng Pangulo ng house and lot ang mga nagtatapos na valedictorian sa PMA at Philippine National Police Academy (PNPA). Kabilang pa sa mga award niya ay ang mga sumusunod: Philippine Navy Sbaer, Distinguished Cadet Award (Starman), Academic group award, Humanities plaque, Management plaque, Social Sciences plaquew, Natural Sciences Plaque, Computing and Information Sciences plaque, Department of Leadership plaque, Joint United States Military Assistance Group award, Australian Defense best overall performance, Spanish Armed Forces award, at Association of Generals and Flag Officers award. |
Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo nang dumalo at magkita sila sa graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA) 'Mabalasik' Class 2019 sa Fort del Pilar, Baguio City. Iyon ang unang pagkikita nila mula nang masangkot si Robredo sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte at makaraang matalo ang oposisyon sa 2019 midterm elections. Sa simula ng kanyang talumpati, may banat ang Pangulo kay Robredo dahil hindi na siya nito nginingitian. "Vice President Maria Leonor 'Leni' Robredo, ma'm, bakit noon ma'm naga-smile ka sa akin, ngayon hindi na? Ikaw ha," sabi ng Pangulo na nagpatawa sa mga audience. Pagkatapos ng kanyang 13 minutong talumpati, nakitang nakikipagkamay ang Pangulo sa nakangiti nang si Robredo. Nauna rito, ibinunyag ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na ang oposisyon na kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes at ng Liberal Party (LP) na pinamumunuan ni Robredo ang may pakana sa black propaganda video para patalsikin sa puwesto ang Pangulo. |
Naaresto ang isang pastor na naaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulis sa Cubao, Quezon City. Dinaan na lang umano sa dasal ng 49-anyos na pastor mula sa Cainta, Rizal matapos siyang arestuhin ng mga pulis, na isang buwan na nagmamanman sa suspek. "Kasi pag may nahuhuli kami sa may bandang Aurora, binabanggit po sa amin na isa ito sa nagbibigay sa kanila. Talagang nagduda muna kami sa una hanggang sa nakabili ang poseur buyer namin," ani Police Capt. Ramon Aquiatan ng Cubao Police Station. Nakuha mula sa suspek ang sampung sachet ng shabu na dadalhin sana sa Cainta. Inamin naman ng pastor na dalawang buwan na siyang gumagamit ng shabu, impluwensiya umano ng mga kaibigan. "Wala pong nakakaalam na nagbibisyo ako, walang nakakaalam even po mga kamag-anak even asawa ko," aniya. "Di po talaga ako nagbebenta sir. Nagkataon lang kanina, kinapos po ako sa pera." Nalaman pa ng pulis na nagturo ang suspek ng values formation sa mga pulis at estudyante. "Sabi ko pano ka makakahikayat kung ikaw mismo sa sarili mo ay nagbebenta at gumagamit ng droga?" ayon kay Aquiatan. "Gabayan na lang po ako ng Panginoon. Tanggapin ko na lang itong nangyari sa akin. Patawarin na lang po ako even ng pulis, saka ng pamilya ko na nasaktan ko sila," ayon sa suspek. Nahaharap ngayon ang pastor sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |
Sa halip na mag-ingay muli laban sa gobyerno, pinayuhan ng Malacanang si outgoing senator Antonio Trillanes IV na harapin ang seryosong alegasyon ng pagiging mastermind at pakikipagsabwatan sa sa Liberal Party (LP) sa umano'y planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi umano dapat magpakasiguro si Trillanes na hindi ito makukulong dahil sa seryosong alegasyon sa kanya ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na utak sa black propaganda videos para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito. Dalawang beses aniyang naglabas ng black propaganda si Trillanes, una ang umano'y malaking bank account ng Pangulo sa bangko bago ang Presidential elections noong 2016 at ang pangalawa ay ang narco propaganda videos na itinuturo sa kanya. "After having been set free from incarceration by the previous administration, one would expect him to learn his lessons and repay the nation that educated, fed and clothed him, with a record of selfless public service. Instead, he evolved to be a political attack dog setting fire to a vicious black propaganda against the President, who was then a City Mayor of Davao, of having a fictitious bank account amounting to 211M Pesos when the latter only had about Sixteen Thousand Pesos deposited at the Ortigas branch of BPI. He deviously released this black propaganda a week before the presidential elections, almost identical to the time frame of the release of the recent videos of Bikoy before the midterm national elections. The two black propagandas are eerily similar as to the timing of their release," sabi ni Panelo. "While many will wish Mr. Trillanes good riddance as he is about to leave the hallowed halls of the Senate at the end of June of this year, we will instead wish him luck as he faces another prospect of being placed behind bars again as the self-confessed black propagandist turns against his master, even as his victims look forward to seeing the Senate, or better yet the Government, without the cantankerously obnoxious coup plotter," dagday niya. Nabahag aniya ang buntot ni Trillanes nang idiin ni Advincula, taliwas sa naging aksiyon nito nang unang lumabas ang narco videos na tuwang-tuwa pa at panay ang banat sa Pangulo. Idinagdag pa ni Panelo na ang pinakamalaking maituturing na nagawa ni Trillanes sa bansa ay ang nakatakda nitong pag-alis sa senado matapos ipakita ang karakter nito bilang taga-sira ng reputasyon ng mga tao, tulad ng ginawa kay dating Ret. General Angelo Reyes na nagpakamatay dahil sa pambabastos at panghihiya nito na nasaksihan ng buong bansa. "Mr. Trillanes' greater service to the nation is his mandatory exit from the Senate where he distinguished himself as a destroyer of reputations of people, including causing the self-extinction of a gentleman military officer whom he disrespected and humiliated before the nation," sabi pa ni Panelo. |
Nakaramdam umano ng pananakit ng dibdib si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, isang araw matapos umamin na sangkot ang Liberal Party (LP) at ilang opposition senators sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte. Ayon sa press briefing ni Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde, kanilang dinala si Advincula sa PNP General Hospital dahil sa pag-akyat ng blood pressure nito. Mababatid na humarap sa publiko si Advincula para sa bagong rebelasyon na sinabing ang LP, sina Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Risa Hontiveros at Sen. Leila de Lima ang umanoy mastermind ng 'Ang Totoong Narcolist' videos. |
Pinabibilisan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng Senado sa panukalang batas na gawing mandatory ang Reserve Officers' Training Corps (ROTC) sa grade 11 at 12 sa pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa. Ito ay matapos sertipikahang "urgent" ng Pangulo ang nabanggit na panukalang batas. Sa ipinadalang sulat ng Pangulo sa tanggapan ni Sen. President Vicente Sotto III, hiniling nito na maipasa agad ang Senate Bill 2232 para gawing mandatory ang ROTC. Nais ng Pangulo na maibalik ang basic military at leadership training sa mga kabataan at mapaigting ang kanilang pagmamahal sa bayan. "I hereby certify to the necessity of the immediate enactment of Senate Bill 2232 to restore basic military and leadership trainings for the youth in order to invigorate their sense of nationalism and patriotism necessary in defending the State and to further promote their vital role in nation building," nakasaad sa sulat ng Pangulo kay Sotto na may petsang June 3, 2019. Nauna nang naipasa nitong Mayo 20 ang bersiyon ng panukalang batas sa mababang kapulungan ng Kongreso. |
Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa isang drainage sa bayan ng Rosario, Northern Samar. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ellen Joy Deguia, residente ng Catarman, Northern Samar. Napag-alaman na nakababa na ang underwear ng biktima at may mga sugat sa ulo nito. Inaalam pa ngayon pulisya kung ginahasa ang biktima at nakikipagtulungan din upang matukoy ang salarin at motibo sa krimen. PANOORIN: 2 BABAE, NATAGPUAN PATAY AT GINAHASA SA AKLAN AT NORTHERN SAMAR |
Nais paimbestigahan ni senator-elect Christopher "Bong" Go si outgoing Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte. Ito ay makaraang aminin ni Peter Joemel Advincula alyas "Bikoy" na si Trillanes ang mastermind ng "Ang Totoong Narcolist" video na nagsasangkot sa pamilya Duterte sa iligal na droga sa bansa. Sa isang panayam ay sinabi ni Go na hintayin na lamang ni Trillanes ang subpoena para sa kanya. Sa unang araw ng Hulyo magsisimula ang termino ni Go bilang senador. Sinabi pa ni Go na noon pa man ay alam na ng lahat ang plano ni Trillanes laban sa administrasyong Duterten. Inakusahan rin si Trillanes at ang Liberal Party (LP) na may pakana sa "Project Sodoma" na layon umanong pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte. |
Pinasinungalingan ni Peter Joemel Advincula alyas "Bikoy" ang mga paratang na binitawan niya laban sa mga kaanak at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "Ang Totoong Narco-list" videos. Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni Advincula na ang kaniyang mga paratang laban sa Pangulo ay utos lamang ng opposition party na Liberal Party (LP) at ilang kaalyado gaya nina Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Risa Hontiveros. "Lahat ng nangyari sa 'Ang Totoong Narco-list,' video... lahat 'yon pawang scripted, lahat 'yon pawang kasinungalingan," sabi ni Advincula. Ayon kay Advincula, nakilala niya si Trillanes sa pamamagitan ng isang pari kaya nakapag-plano sila na siraan ang administrasyon. Layon umano ng plano, na binansagang "Project Sodoma," na patalsikin ang Pangulo bago mag-Hunyo 30, 2019, at paupuin sa puwesto si Vice President Leni Robredo, ang chairperson ng LP. |
Matapos ang pasabog na rebelasyon ni Peter Joemel Advincula tungkol sa tunay na mastermind sa "Ang Totoong Narcolist" video, nagbigay na rin ng pahayag ang nadawit na senator-elect na si Senator Bong Go patungkol kay Trillanes. Sa paglutang ni Advincula, pinangalanan niya sina Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Leila de Lima, Otso-Diretso, Liberal Party at iba pa upang siraan ang administrasyon. Sa isang panayam, sinabi ni Go maghintay lang dahil baka ipatawag niya rin si Trillanes sa Senado. Mababatid na dalawang beses rin na nagpakita ng kanyang likod si Go upang patunayan na walang "dragon tattoo" sa kanyang likod na siyang ibinibintang sa kanya ni Trillanes. "Trillanes, hintayin mo rin. Baka ikaw rin ang ipatawag ko," saad ni Go. "Pasalamat rin ako kay Trillanes, kung hindi n'ya ako tinawag d'yan baka hindi ako naging senador ngayon," dagdag pa niya. Kumbinsido si Go na totoong sina Trillanes at ang oposisyon ang nasa likod kay Bikoy para daw siraan si Pangulong Duterte at mga kandidato ng administrasyon sa katatapos na 2019 midterm elections kasama na siya. "Naniniwala po ako na nasa likod nito sina Trillanes at oposisyon. Sinakyan po nila ang issue para sirain si Pangulong Duterte at ang mga kandidato ni Pangulong Duterte," aniya. "Kanya-kanya na pong hugas-kamay kung sino po ang nasa likod nitong si Bikoy na 'to," dagdag ni Go. WATCH: BONG GO TO TRILLANES: I MIGHT SUMMON YOU AFTER 'BIKOY' VIDEOS |
Matapos sumuko, naglabas ng pahayag si Peter Advincula alyas "Bikoy" para pasinungalingan ang lahat ng kaniyang mga inilantad sa "Ang Totoong Narcolist" propaganda videos. Ayon kay Advincula, ang lahat ng episode 1 to 5 ng "Ang Totoong Narcolist" kung saan siya ang narrator sa mga video ay pawang scripted lahat at kasinungalingan. Ibinunyag din ni Advincula ang "Project Sodoma" na ang layon ay pabagsakin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte para maitalaga bilang pangulo si Vice President Leni Robredo. At kapag naging presidente na si Robredo ay itatalaga nitong bise presidente si Sen. Antonio Trillanes IV. Sinabi ni Advincula, 9 na buwan na pinagplanuhan ang proyekto at personal niyang nakakausap tungkol dito si Sen. Trillanes, Sen. Risa Hontiveros at staff ni Sen. Leila De Lima. Sa ilalim ng "Project Sodoma" gagawa ng mga isyu para i-divert ang atensyon ng tao dahil masyadong mataas ang ratings ng administrasyong Duterte. Bahagi aniya ng plano ang naging pahayag ng dating police official na si Eduardo Acierto laban kay senator-elect Christopher "Bong" Go. "Ang plano ng kabilang kampo gumawa ng issue para madivert ang pansin ng tao at hindi lang yung sa akin ang plano doon, marami pang nauna. Yung pagsalita ni Acierto na iniuugnay niya si Bong Go kasama iyon sa script para umingay at madivert ang tao," ayon kay Advincula. Giit ni Advincula, pinangakuan siya na kapag naisakatuparan ang lahat ng plano ay babayaran siya at i-aabsolute pardon siya sa mga kaso at bibigyan pa ng posisyon sa gobyerno. Aminado si Advincula na mali ang kaniyang ginawa at nagpasilaw siya sa pera at ito aniya ang nakikita niyang pamamaraan upang itama ang mga pagkakamali niya. |
Itinuro ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, sina Sen. Antonio Trillanes IV at Liberal Party bilang utak sa lahat ng episode 1 to 5 ng "Ang Totoong Narcolist" na kontra sa malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa press conference sa Philippine National Police (PNP), nakonsensya umano si Advincula kaya't sumuko sa mga awtoridad. Aniya, nakausap niya si Trillanes ukol sa paggawa ng video -- 9 na buwan umano ang tinagal para makumpleto ito. Partikular nitong tinukoy sina Senador Antonio Trillanes IV, Senadora Risa Hontiveros at Senadora Leila De Lima. "Actually after this press conference, kung maniniwala pa ang tao sa akin... ang lahat ng nangyari sa Totoong Narcolist, video episode one to video episode five, 'yung na-record ko, lahat 'yun pawang scripted, pawang kasinungalingan," saad ni Advincula. "Itong paputok ng kay Bikoy [ay] para ma-discredit si Senator-elect Bong Go, 'yung iba pang mga sangkot na pulitiko... 'Yun ay pawang orchestrated lamang ng Liberal Party under the handle of Senator Antonio Trillanes IV," aniya pa. WATCH: PETER ADVINCULA TAGS TRILLANES, LIBERAL PARTY BEHIND "BIKOY" VIDEOS |
Sumuko na sa mga otoridad si Peter Joemel Advincula alyas 'Bikoy' - ang lalaking nasa serye ng "Ang Totoong Narcolist" videos na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umanoy kalakaran ng ilegal na droga sa bansa. Si Peter Advincula ay sumuko sa Northern Police District at agad dinala sa PNP Headquarters sa Camp Crame. Matapos sumuko, naglabas ng pahayag si Advincula na para pasinungalingan ang lahat ng kaniyang mga inilantad sa mga black propaganda videos. Ayon kay Advincula, ang lahat ng episode 1 to 5 ng "Ang Totoong Narcolist" videos kung saan siya ay nagpakilalang "Bikoy" bilang narrator sa mga video ay pawang scripted lahat at kasinungalingan. "Lahat ng nangyari sa Ang Totoong Narco-list, video episode 1 to video episode 5... lahat iyun pawang scripted, lahat iyun pawang kasinungalingan," paglalantad ni Advincula. "Walang katotohanan lahat-lahat iyun at iyun ay pawang orchestrated lang ng mga nasa kabilang party, which is Liberal Party under the handling of Senator Sonny Trillanes IV," dagdag niya. |
Nabuo na ang isa sa dalawang barkong pandigma na binili ng Pilipinas sa South Korea. Ang mga barko ay pinangalanan na BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151). Ito raw ang pinakamalakas na warship ng ating bansa at magsisilbi na pang-depensa sa teritoryo ng Pilipinas. Ang mga barko ay ginawa ng South Korean company na Hyundai Heavy Industries na nagkakahalaga ng P18 billion. Ang kontrata sa naturang proyekto ay pinirmahan noong October 24, 2016 ng Philippine's Department of National Defense, Philippine Navy high command officials, Hyundai Heavy Industries executives, at ng South Korean Ambassador to the Philippines sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila. Ilan sa mga ipinagmamalaki na armas ng barko ay ang 76 milimeter main gun at 30 calibre remote-controlled gun. Mayroon din itong anti-ship system, anti-aircraft missiles, sonar systems at torpedo, command management system (CMS) na nagsisilbing utak ng warships. "She (BRP Jose Rizal) is the first combat ship to be designed and acquired for the Philippine Navy along with her sister-ship, the BRP Antonio Luna (FF-151) whose steel-cutting is also scheduled for this week," pahayag ni Navy spokesperson Captain Jonathan Zata. PANOORIN: MGA BAGONG BARKONG PANDIGMA NG PILIPINAS, PAPANGALANANG BRP JOSE RIZAL AT BRP ANTONIO LUNA |
Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayo bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing ng 167 na certificates of canvass (COC) para sa 2019 midterm elections. Sa final and official tally ng Comelec, nasa 1st spot pa rin sa senatorial race si Cynthia Villa habang napanatili ni Nancy Binay ang kapit sa 12th spot. Dahil dito, itutuloy na ng Comelec ngayon araw ang proklamasyon ng mga nanalong senador habang mamayang gabi naman ang mga nanalong party-list. Bigong naman na makapasok sa "Magic 12" ang re-electionist senators na sina Sen. JV Ejercito at Bam Aquino na nakakuha lamang ng 14,313,727 at 14,114,923 votes. |
Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) engineering office sa ikalawang Distrito ng Leyte ang konstruksyon ng 17 bagong school buildings para sa susunod na pasukan ng klase. Ang mga naturang school buildings ay matatagpuan sa Pinamopoan Senior High School (SHS), Mariano National High School (NHS), at Asuncion Melgar NHS sa Capoocan town; Patoc NHS sa Dagami; Barugo Central School I at Barugo NHS sa Barugo, Leyte; at Agapito Amado NHS sa Jaro, Leyte. Ang mga school buildings ay kumpleto ng pasilidad tulad ng mga palikuran, emergency exit para sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral at mga guro. Kaya din daw labanan ng naturang gusali ang mga kalamidad tulad ng malalakas na bagyo at lindol. "These classrooms are equipped with toilets and emergency exit stairs for safety and security of the students and faculty members. Through this project, the government will be able to address the need for more classrooms," pahayag ni District Engineer Gerald Pacanan. Ang naturang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng P371.39 million Basic Educational Facilities Fund (BEFF) ng Department of Education (DepEd). Ang BEFF ay pondo mula sa School Building Program ng DepEd para sa pagpapagawa ng mga gusali at pagmementine ng paaralan. |
Kusang sumuko si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy sa Philippine National Police (PNP) at humiling ng protective custody. Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Amador Corpus, bumalik si Advincula kasama ang kanyang abogado at nagsumite na rin ng mga ebidensya na makatutulong sa imbestigasyon para patunayan ang kanyang mga alegasyon. "Last Monday, that is May 27, Bikoy returned. He is now under protective custody. He voluntarily surrendered himself and requested for protective custody," sinabi ni Corpus. Kabilang sa kanyang isinuko ay ang personal computer at cellphone na naglalaman umano ng usapan nila ni Sen. Antonio Trillanes IV na kasabwat niya sa paggawa ng mga serye ng propaganda videos laban sa pamilya Duterte. Sinabi pa ni Corpus na nasa ilalim ngayon ng protective custody ng CIDG si Advincula habang isinasailalim sa validation ang mga alegasyon nito. Sa pagsuko ni Advincula, sinabi ni PNP Police General Oscar Albayalde, na lahat ng pahayag nito, kabilang ang mga personalidad na iniugnay niya sa ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay iimbestigahan. "All the things Bikoy said will be validated, all the names will be part of our investigation," saad ni Albayalde. "Bikoy will be part of the investigation. Remember, he can also be a respondent here. We are not saying that he is already a witness or he's still a suspect. It's for the court to decide if he will become a witness or a suspect after we file a case," dagdag ni Albayalde. Humiling na rin ang PNP ng kopya ng closed-circuit television (CCTV) footage sa mga lugar ng pagkikita ni Advincula, ilang miyembro ng Otso Diretso, at mga kandidato sa pagkasenador ng oposisyon kaugnay sa Project Sodoma. |
Kasalukuyang nasa kustodiya ng immigration authorities sa airport sa Hong Kong si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales. Ayon kay Attorney Anne Marie Corominas, legal counsel ni Morales, tinawagan umano siya para ipaalam sa kaniya ang sitwasyon dating Ombudsman sa Hong Kong. Batay sa mga ulat, idinitene si Morales sa Hong Kong Immigration sa Terminal 1 ng airport dahil umano sa pagiging "security threat" o banta sa seguridad pero hindi malinaw kung bakit ito naging banta. Matatandaang sina Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ang naghain ng reklamong "crimes against humanity" laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Lumipad papuntang Hong Kong si Morales para magbakasyon kasama ang kaniyang asawa, anak, at mga apo. Pinabalik umano ang mga kasama ni Morales sa Pilipinas pero nagdesisyon ang mga ito na samahan ang dating Ombudsman. Ayon naman kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hindi maaaring kwestyunin ng gobyerno ng Pilipinas kung anuman ang rason ng Chinese immigration officials sa pagharang kay Morales. PANOORIN: DATING OMBUDSMAN CARPIO MORALES HINARANG SA HONG KONG AIRPORT |
Hindi tinanggap ni Vice President at Liberal Party (LP) chairman Leni Robredo ang pagbibitiw sa pwesto ng ni Sen. Francis "Kiko" Pangilinan bilang presidente ng partido. Mababatid rin na nag-resign si Quezon City Representative Christopher "Kit" Belmonte bilang secretary general ng partido. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, marami pang kailangang gawing trabaho at kailangan itong gawin ng dalawa nang magkasama. Nagbitiw si Pangilinan para akuin ang responsibilidad sa pagkatalo ng Otso Diretso sa katatapos na 2019 midterm elections. Sa walong pambatong senador ng LP, si re-electionist senator Bam Aquino ang nakakuha ng pinakamataas pwesto na ika-14. Si dating LP president at DILG Secretary Mar Roxas naman ay nasa pang-16 na pwesto. |
Nakatakdang bumaba bilang presidente ng Liberal Party (LP) si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan matapos ang kinalabasan ng 2019 midterm elections. Sa kanyang resignation letter na ibinigay kay Vice President Leni Robredo, sinabi ni Pangilinan na ginawa niya ito bilang pag-ako ng pagkakatalo ng Otso Diretso sa senatorial race at iginiit na may pananagutan siya bilang campaign manager ng oposisyon. "As campaign manager for the Otso Diretso slate, I was unable to ensure our victory in the elections & I assume full responsibility for the outcome and hold myself primarily accountable for this defeat & have tendered my resignation as president of the LP effective June 30, 2019," ani Pangilinan. Batay sa nagpapatuloy na canvassing ng Commission on Elections (Comelec), tiyak na pasok na sa Senado ang apat na ka-partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina: Bong Go, Ronald Dela Rosa, Francis Tolentino at Koko Pimentel. Lusot din ang anim na inidorso ng administrasyon na sina: Pia Cayetano, Sonny Angara, Lito Lapid, Imee Marcos, Cynthia Villar, at Bong Revilla; maging ang dalawang re-electionist na sina Grace Poe at Nancy Binay na parte ng kasalukuyang majority block ng mataas na kapulungan. Dahil dito, inaasahang 20 senador na ang bubuo sa mayorya pagpasok ng 18th Congress. Habang matitira sa minority block si Pangilinan kasama sina Sen. Franklin Drilon, Sen. Leila De Lima at Sen. Risa Hontiveros. |
Hinabol at pinagbabato ng galit na taumbayan ang driver ng isang kotse sa Sampaloc, Maynila na nakabangga ng hindi bababa sa dalawang tao at sampung sasakyan. Nangyari ang insidenteng nag-ugat daw sa tangkang pagtakas ng motorista sa isang traffic violation. "Hinahanapan ng lisensya itong driver, so nung pinakitaan ng lisensya, ang sabi allegedly peke 'yung license. Then biglang hinarurot 'yung sasakyan niya," ayon kay Police Captain Jaime Gonzales Jr., hepe ng Manila Police Vehicle Traffic Investigation Section. Nakahagip ang kotse ng ilang tao, poste ng ilaw, puno, at isang hilera ng mga nakaparadang motorsiklo nang subukang dumaan sa isang eskinita sa ilalim ng Nagtahan Flyover. "Ang bilis ho ng dating eh. Pagdating ho roon, pinipilit talagang isiksik. Lumipad 'yung bumper, tumama sa paa ko 'yung bumper," ayon kay Rodolfo Paulino, isa sa mga biktima. Dahil ayaw paawat ng driver, nagtulong-tulong ang ilang lalaki sa pambabato sa kotse. Nasa kustodiya na ng pulisya ang isa sa mga sakay ng naturang sasakyan pero hindi muna pinangalanan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property and physical injuries at resistance and disobedience to agent or person in authority ang tinutugis pa ring driver. Sa isang video footage na in-upload sa Facebook, makikita na pinagbabato ng malaking bato, kahoy at maging martilyo ang windshield ng kotse. |
Sa botong 167 pabor at 4 na tutol, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang buhayin ang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga nasa Grades 11 at 12 (Senior High School) sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Layon ng House Bill No. 8961 na amyendahan ang Republic Act No. 7077 o ang Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act. Sa oras na maisabatas ay mamumulat umano ang kabataan ang pagiging makabayan, pagrespeto sa karapatang pantao at pagsunod sa Konstitusyon gayundin ang pagseserbisyo publiko. Ang pagsasailalim sa ROTC training ay pre-requisite para maka-grduate ang isang senior high school student. Samantala, exempted sa pagsasanay sa ROTC ang mga estudyante na hindi maituturing na physically o psychologically fit; ang mga dumaan o patuloy pang sumasalang sa military training; at ang mga pinili ng eskuwelahan na magsilbing varsity player na pambato sa sports competition. Dapat na aprubado ng Department of National Defense ang exemption at may rekomendasyon ng education institution na kinabibilangan nito. Inatasan sa panukala ang kalihim ng Department of National Defense sa pakikipag-usap sa Department of Education at TESDA para isulong ang organization at gawin ang operational manual ng ROTC units. |
Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang maglilikha sa Philippine Space Agency (PhilSA). Sa ilalim ng Senate Bill No. 1983 o mas kilalang Act Establishing the Philippine Space Development and Utilization Policy and Creating the Philippine Space Agency, magsisilbing strategic roadmap para sa space development ang PhilSA. Kukunin umano ang pondo para sa space program na nagkakahalaga ng P1 billion mula sa fiscal year's appropriation ng Office of the President. Samantala, ang pondo naman para sa susunod na operation at maintenance nito ay isasama sa General Appropriations Act. Dagdag na P10 billion ay magmumula naman sa gross income ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa loob ng limang taon. |
Naaresto ng pulisya ang isang lalaki sa Santa Cruz, Laguna matapos nitong patayin sa saksak at isako ang isang 5-anyos na batang babae. Natagpuan ang nakasakong bangkay ng biktima sa loob ng bahay ng 30-anyos na suspek, ayon sa report ng pulisya. Dumulog sa pulisya ang mga kaanak ng suspek matapos mahanap sa sako ang bangkay ng biktima. Binigyan umano ng suspek ng mais con yelo ang biktima at isinama sa loob ng kaniyang bahay, kung saan niya ito pinagsasaksak ng screwdriver. Ang biktima ay anak ng kasambahay ng kapitbahay ng suspek. Inamin naman ng suspek ang krimen at sinabing hindi niya alam ang kaniyang ginawa dahil lulong siya sa ilegal na droga. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder habang isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima. |
Binanatan ng tirada ng dating commissioner ng National Youth Commission (NYC) na si Dingdong Dantes si Ronald Cardema dahil sa paghahain nito ng substitution para sa Duterte Youth party-list habang namumuno sa komisyon. Ayon kay Dingdong, tila mali ang timing ng pagbibitiw ni Cardema na isang araw lamang bago ang eleksyon. Saad ni Dingdong na posibleng nagamit ni Cardema ang kanyang position para ikampanya ang Duterte Youth party-list at kung balak nitong mag-substitute ay dapat aniya ay ginawa na noong una pa lang. "Kung may balak siyang maging Congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag resign siya bilang NYC Chairman. Pwede bang nagising na lang siya isang araw at nag-decide na trip niya? Maaari kasing nagamit ang ahensya upang magkaroon siya ng unfair advantage noong kampanya," saad ni Dantes. Gusto ring paimbestigahan ni Dingdong ang biglaang pag-back out ng lahat ng tumakbong nominee ng Duterte Youth na nabatid matapos magpapalit ni Cardema sa party-list. "Malinaw din naman ang batas kontra sa partylist na tumatanggap ng kahit anong suporta o may koneksyon sa gobyerno. Nakakalungkot na bilang pangunahing representante ng kabataan ay lumalabas na nakikisali siya sa pagabuso at pag-circumvent sa Party-list system," giit ng aktor. Samantala, inihayg ng Malacanang na naghahanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit kay Cardema matapos nitong magsumite ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) na palitan ang kanyang asawa bilang First Nominee ng Duterte Youth na nakapasok sa nakaraang halalan. |
Ipinasara ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang 10 mga hotels na natuklasang iligal na nagtatapon ng kanilang mga dumi sa Bacuit Bay sa El Nido, Palawan. Ayon kay Michael Drake Matias, director ng Environmental Management Bureau for Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ng DENR, ang nasabing mga hotels ay malinaw na lumabag sa Clean Water Act ng 2004. Dagdag pa nito na ang tubig na inilalabas ng mga 10 hotels sa apat na lugar sa El Nido ay lumampas sa pollutant limits na itinakda ng DENR. Nitong Sabado, May 18, inanunsiyo ng DENR ang cease-and-desist order (CDO) na inisyu nitong Miyerkules laban sa mga sumusunod na hotel: "The result of the laboratory analysis on the wastewater taken from said establishments went beyond the DENR General Effluent Standards for Biochemical Oxygen Demand (BOD)," ayon kay Matias. Tiniyak naman ng DENR na kanilang ipagpapatuloy ang pagbabantay sa mga establishimentong lumalabag sa environmental law. "We have initial investigations done on other hotels and restaurants and we are just waiting if results of their effluent samples would merit issuance of CDO," sabi ni Henry Adornado, regional executive director, sa isang statement. |
Isang estudyante ng De La Salle, na pamangkin ng magkapatid na pari, ang natagpuang patay at posibleng ginahasa sa kanyang apartment sa Lipa City, Batangas. Kinilala ang biktima na si Fidex Therese Dimaculangan Maranan, 21-anyos, 4th year college student ng Dela Salle Lipa. Ang hubo't hubad na bangkay ng biktima, na tinakpan ng kumot at may saksak sa leeg, ay nadiskubre ng kanyang kamag-anak na si Romulo Maranan sa loob ng kuwarto ng nirerentahang apartment sa Miracle Heights Subdivision, Barangay Antipolo Del Norte. Ayon kay Police Col. Ramon Balauag, hepe ng Lipa City Police, posibleng tatlong araw nang patay ang biktima, na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinaslang, batay na rin sa autopsy report. Aniya, may mga pasa sa katawan at ulo ng biktima na tila pinalo ng matigas na bagay o iniuntog sa sahig. Ang biktima ay pamangkin ni Monsignor Ruben Dimaculangan, na ngayo'y kura paroko ng St. Therese Parish sa Talisay, Lipa. Ayon naman kay Father Nonie Dolor, dating radio station manager sa lugar, sinusuportahan na lang ni Dimaculangan at ng kapatid na si Quiel, isa ring pari, ang biktima matapos itong maulila. Nag-iisa na lang din ang biktima sa lugar dahil nasa kani-kanilang destino ang magkapatid na tiyuhin nito. Samantala, inaalam na ngayon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo nito sa krimen kaya nagsasagawa pa sila ng masusing imbestigasyon sa kaso. |
Itinampok sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ng isang lalaki na nagkaroon ng stage 4 colon cancer dahil umano sa paglalaro ng mobile games. Sa mga Facebook post ni Michael Tumagan, makikita ang pinagdaanan ng isang binata na dating masigla at mahilig sa mobile games. Sa loob ng dalawang taon ng paglalaro ay hindi natutulog nang maayos at nakakakain nang maayos si Michael hanggang unti-unti na itong nagkasakit at ma-diagnose siya na may cancer nitong 2018. "Sa totoo lang po, 'di ko po maiwasan ang emosyon ko. Kasi marami na po nadamay na organs. Hindi na rin po ako makagalaw," sabi niya. Ayon sa doctor ni Michael, genetic o namana ni Michael ang kaniyang sakit na Stage 4 Rectosigmoid Adenocarcinoma. Hindi man dahil sa paglalaro ang sakit, hindi napansin ni Michael agad ang kaniyang mga sintomas dahil sa pagkaabala sa paglalaro ng Mobile Legends. Basahin ang mga mensahe at pakikiramay ng mga kaibigan ni Michael: RIP! Paalam mahal kong kaibigan ngayong kasama mo na si papa god at hindi kana magtitiis ng sobrang sakit. Isa kang hero kinaya mo lahat, nanalig ka wala nading magbabash at magsasabing scam. Mahal na mahal ka namin at mamimiss ka ng lahat na nagmamahal sayo. Bro, mamimiss ko ang mga hugot mo. Ang sakit ng mabalitaan ko na wala kana bro. Hindi tumigil ang iyak ko kaya pala tingin ako ng tingin sa mga sapatos na galing sayo. Gayunpaman, ikaw ay hamak na fighter/hero kasama mo na si God no more pain no more battles na ikaw. We will miss you! Salamat sa mga taong tumulong at sa KMJS. Hindi ko kinaya ang sakit sakit ng puso ko. RIP kuya Michael Tumagan. Sorry hindi kita ma dalaw super hina ko at ang promise ko ng June na puntahan ka namin is wala na. Bakit sa dami ng tao ikaw pa ang nagka-cancer bakit hindi nalang yung mga taong masasama ang ugali. Grabe ang lungkot ko ngayon kasi ikaw yung fans ng Pabebe Girls! Grabe yung asaran natin! Yung awayan pero still nag aayos naman tayo. Nawalan nanaman ako ng kaibigan pero alam ko pahinga kana at nasa feeling kana ni Papa God. Sana kapag nakausap muna si Papa God yung sinabe ko sayo noon niya ibigay niya yung lalakeng para sakin. Mahal na mahal kita kuya ko, hinding hindi kita malilimutan. Maraming salamat sa mga tao at kaibigan ko ng nagbigay ng donation. Si God na po ang bahala sa inyo. |
Binigyan ng kredito ni dating Senador Bong Revilla ang kanyang plunder acquittal at budots television campaign ad kaya siya nakapasok sa "Magic 12" ng 2019 senatorial race. As of 7:20PM, Mayo 17 sa partial at official results ng Comelec, nasa 12th spot si Revilla na may 13,442,578 votes. Ayon kay Revilla, sa palagay niya ay malaking bagay ang paglabas ng katotohanan na wala siyang kasalanan kaya nagtiwala sa kanya ang mayorya ng botante. Maaari rin aniyang nakatawag ng boto ang kanyang pagsayaw ng budots kung nag-viral sa social media at ginawan pa ito ng samu't saring memes. "Siguro malaking bagay dito 'yung paglabas ng katotohanan na si Bong Revilla ay walang kasalanan. Siyempre malaking bagay din 'yung mga ad, 'yung budots malaking bagay din. Hindi ko malaman kung 'yun ba ay positive or negative. Hindi ko alam kung nakadagdag ba 'yun o nakatawag ng boto," ani Revilla. Kwento ni Revilla, ang kanyang anak na si Jolo ang naghimok sa kanyang sumayaw sa television campaign ad. "Actually wala naman talaga akong balak sumayaw, talagang pinush lang ako nila Jolo, 'Papa tutal andiyan ka na, sumayaw ka na.' Tapos nu'ng nandu'n na, sumayaw tapos pinatayo 'yung mga apo ko, nagsayawan sila," paliwanag pa ni Revilla. Para kay Revilla, ang masakit sa social media ay ang pambabato ng fake news at masasakit na salita na sana aniya ay matigil na. Hiling rin ni Revilla sa netizens ay matapos na ang lahat at magtulong tulong na lamang para sa bayan, na walang kinikilalang kulay sa pulitika. |
Arestado ang isang 72-anyos na lalaki at isang kasamahan niya nang lusubin ng ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Bulacan at Animal Kingdom Foundation ang isang bentahan at katayan ng aso sa Barangay Manatal, Pandi, Bulacan. Nakilala ang suspek na si alyas "Boy Pukpok" o Danny Cruz na isa umanong stroke survivor. "Pinupukpok niya 'yung aso sa ulo, i-travel nila para hindi gagalaw, para hindi mahulog sa tricycle," sabi ni Police Staff Sergeant Dexter Pagales. Nang tanungin ang suspek kung alam niyang bawal ang ginagawang pagkatay at pagbenta ng aso, ang sabi ni Cruz, "Alam ko. Wala na akong... hanapbuhay. Pati malapit na ang buhay ko." Nahuli rin ang isang kasama ni Cruz, habang nakatakas ang isa pa. Nasa 4 na patay na asong nakasako ang na-recover ng mga awtoridad sa isinagawang raid habang dalawang aso naman ang masuwerteng nakaligtas. Mahaharap ngayon ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act. Naktakda namang isailalim sa rehabilitasyon at pangangalaga ang mga nasagip na aso. "Yung aso kasi, hindi naman siya for human consumption at hindi siya healthy ipapakain sa tao. Ang aso po ay man's best friend," paalala ni Allan Pekitpekit ng Animal Kingdom Foundation. |
Humingi ng panalangin mula sa kaniyang mga taga-suporta si senatorial candidate Bam Aquino matapos malaglag sa Magic 12 ng senatorial race. As of 11:00PM, nitong Mayo 17, nasa 13th spot si Aquino na may 13,384,293 votes sa partial and official tally ng Comission on Elections (Comelec). Sinabi ni Aquino na nagsalita na siya matapos ang 2019 midterm elections noong Lunes dahil sa pangangamusta ng kanyang mga kaibigan. Hiniling din niya na ipagpatuloy lang ang pagdarasal para sa kanya, gayundin sa bansa. "Hello everyone! I wanted to make my first public statement after the counting finished, but since so many friends are asking how I am, I just want to tell everyone out there that I'm ok! Please continue praying for me, better yet, please continue praying for and loving our country." Dagdag pa niya, anuman ang kalabasan ng eleksyon, hindi mauubos ang pagmamahal niya sa mga Pilipino. "Hindi mauubos ang pagmamahal ko sa ating mga kababayan maganda man o hindi ang resulta ng eleksyon," dagdag pa niya. Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Aquino ang kanyang mga kapwa kandidato sa Otso Diresto. |
Muling nagbago ang posisyon ng mga kandidato sa pagka-senador sa bagong partial at official tally ng Commission on Elections (Comelec) - National Board of Canvassers (NBOC). Mula sa 12th spot, laglag na sa 13th spot si Otso Diretso candidate Sen. Bam Aquino. Sa pagsasara ng canvassing ngayong araw, napalitan ni Bong Revilla sa 12th spot si Aquino. Ito ay base sa 87.42% na election results o katumbas ng 147 certificates of canvass (COC) sa kabuuang 167. Narito ang latest tally as of 7:30 ng gabi: Habang narito naman ang mga kandidatong nasa number 13 to 20 na spot: |
Mas madali nang buhayin ng bagong Senado ang parusang kamatayan o death penalty para sa mga nakalaboso dahil sa high-level drug trafficking sa bansa. Ito ay matapos manguna sa sentorial race ang karamihan sa mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabor sa nasabing panukala. Inihayag ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na mataas ang tsansang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa dahil madadagdagan na ang mga senador na pro-death penalty. "Karamihan sa mga nasa top 12 tulad ni Bato Dela Rosa ay sang-ayon sa death penalty subalit para lamang sa mga heinous crime tulad illegal drug trade," ayon kay Sotto. Ayon kay Sotto, naging basehan din nito ang pagboto ng mga mamamayan dahil alam ng publiko kung sinu-sinong kandidato ang pabor at hindi pabor sa death penalty. "It's a possibility now because nadagdag nga 'yung pro-death penalty pero sino bumoto sa kanila? 'Yung mga tao. Di ba alam nila 'yung mga pro-death at hindi?" ani Sotto. Sinabi pa ni Sotto na payag na siyang huwag ipasa ang nasabing panukala ngunit kung mataas ang kaso ng drug trafficking sa bansa, kailangan na itong ipatupad. Ipinunto ni Sotto na tanging Pilipinas na lang ang bansa sa Asya ang walang death penalty laban sa drug trafficking kung kaya't naging paboritong puntahan ang bansa ng mga nagma-manufacture at nagta-transhipment ng ilegal na droga. Matatandaan na pumasa na ang death penalty sa House of Representatives na pinamunuan noon ni dating House Speaker Pantaleon Alverez, habang nakabinbin naman ang panukala sa Senado. |
Nanindigan si dating Bayan Muna representative at senatorial candidate Neri Colmenares na hindi siya kailanman magko-concede sa pagkatalo sa tinawag niyang bulok na eleksyon. Sa kaniyang Twitter post, sinabi nitong malinaw na ang nangyaring botohan ay may kasamang panloloko at panunuhol sa mga tao para mailuklok ang mga "worst kinds of leaders". "I will never concede defeat to a rotten electoral exercise that has basically deceived, bribed, intimidated and manipulated our people into electing the worst kinds of leaders imaginable. Tuloy ang laban!" tweet ni Colmenares. Aniya, kung tapat lamang ang naging eleksyon ay madali para sa kanya na tumanggap ng pagkatalo pero sa pagkakataon na ito ay hindi naging normal ang takbo ng eleksyon. "It would have been easy to concede had I lost in a fair and honest elections. But this year's elections were hardly fair or honest," ani Colmenares. Base sa partial and unofficial results, hindi pinalad na makapasok sa top 12 senatoriables si Colmenares at nasa ika-24 na pwesto na may 4,651,870 votes. Samantala, inaasahan na ng Malacanang ang pag-iingay ng ilang makakaliwang grupo kagaya nina Bayan Secretary-General Renato Reyes at Neri Colmenares na sumisigaw ng may nangyaring malawakang dayaan sa katatapos na eleksyon. "The sovereign voice has spoken. We urge the opposition, the critics and the detractors to bow to the majesty of the rule of the majority, lest we are swept away by the rampaging tidal waves of change," diing pahayag ni Sec. Panelo. |
Nais ni Manila Mayor Isko Moreno na bilhin ang basura ng mga taga-Maynila bilang bahagi ng kaniyang programa na bawasan ang basura ng lungsod. Sa isang panayam, sinabi ni Moreno na imbes na pera ay makakakuha ang mga magbebenta ng mga basura ng mga coupon na maaaring ipapalit para sa bigas at de lata. "Bilang dating basurero... 'yung basura mo, bibilin ko po 'yun kasi nakita ko na if you would stimulate or put these incentives, baka mahikayat, mabuhayan ang tao," aniya. Layon din ni Moreno na ibalik ang mga Metro Aide o ang mga regular na street sweeper ng lungsod. "Umaga pa lang makikita niyo may nagwawalis na. Tanghali may nagwawalis. Hapon may nagwawalis. So continuous, honest to goodness na paglilinis," sabi pa ni Moreno. Isa pang plano ng bagong alkalde ang i-redevelop Binondo bilang business district, at ang Pandacan, na dating oil depot, bilang green area. Bukod dito, magtatayo rin siya ng in-city housing sa Delpan para sa urban poor families. "Para mapakita kung totoo laway, ko I'll start it there. It can be a model to any local government unit then I'll go to Baseco then to Parola," aniya. May balak din si Moreno na ibaba ang real estate at business taxes sa lungsod. "It's a humbling experience. Yung results kasi overwhelming. Scary, in a way people are expecting more now. Nakaka-tense," ani Moreno. |
Muling nakapasok sa "Magic 12" ang senatorial bet ng Otso Diretso na si Sen. Bam Aquino habang nangunguna pa rin si Sen. Cynthia Villar sa bagong Commission on Elections (Comelec) results. Sa partial at official tally ng Comelec as of 9:30PM ng Huwebes, May 16, nasa 12th spot si Aquino na may 11,001,047 votes; si Bong Revilla na nasa 13th spot na may 10,988,697 votes; at si Sen. JV Ejercito na bumaba sa 14th spot. Sa ngayon ay nasa 129 certificates of canvass (COC) mula sa kabuuang 167 COCs ang na-canvass na ng Comelec. Narito ang bagong ranking ng top 12 sa senatorial race: Samantala, umabot na sa 97.79 percent ang na-prosesong election returns o katumbas ng 46.7 million mula sa 63.6 million registered votes batay sa partial at unofficial results ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Nasa 1st spot si Sen. Cynthia Villar na may 25,029,675 votes; Grace Poe na may 21,856,981 votes; at Bong Go na may 20,353,737 votes. Hindi parin nakakapasok sa winning circle si Sen. Bam Aquino na nasa 14th spot na may 14,054,642 votes. |
Isang kasaysayan sa bayan ng Rizal, Palawan ang pagkakapanalo ng isang tribal leader sa katatapos na 2019 midterm elections. Ang 77-anyos at independent candidate na si Otol Odi ang iprinoklama bilang bagong alkalde sa naturang bayan matapos makakuha ng 8,575 boto batay sa resulta mula sa Commission on Elections (Comelec). Ang kaniyang kalaban naman na si Cesar Magsaysay na suportado ng administrasyong Duterte ay nakatanggap ng 4,814 na boto. Naluha ang ilang taga-suporta ni Otol sa kanilang nakamit matapos ang mga pinagdaanan sa pangangampanya. "Hindi po madali pinagdaanan namin pero sulit kasi nagbunga po ito ng maganda," ani Edna Macmam. Para kay Alex Hirang, "Kahit inakyat pa namin ang mga bundok para lang maabot ang mga katutubo, ginawa po namin 'yun." Sa isang panayam, ilan sa gagawing priyoridad ni Otol kapag uupo na ito sa puwesto ay kabuhayan, pantay na pagtingin, edukasyon, at maayos na kalusugan para sa gaya niyang indigenous people o IP. "Malaki ang pangarap ko para sa mga kapwa ko katutubo na laging napag-iiwanan dito sa bayan namin," aniya. "Gusto ko talaga na matulungan sila kaya nanindigan akong tumakbo. Alam ko naman na kaya ko. T'saka kinausap ako ng mga tao dahil ayaw namin na dayuhan ang mamumuno sa amin," ani ni Otol. |
Higit sa 800,000 ang mga pulis at sundalo kabilang ang iba pang government personnel ang itinalaga para matiyak na magiging maayos ang katatapos na halalan. Dahil dito, isang netizen ang nagbigay-pugay sa ilang mga sundalo. Sa isang Facebook post ni Edrian Obenita Resueno, makikita ang mga larawan ng mga sundalong pagod na nagpapahinga sa sahig matapos masigurong maayos at ligtas ang 2019 midterm elections. Ayon sa caption ni Resueno na, "Our troops after securing your votes, giving their best to give you an honest, orderly and peaceful election. Be proud! Mabuhay ang mga sundalo, pulis at guro!" Ilang netizens ang nagpahayag din ng kanilang paghanga at pagsaludo sa ginawa ng mga sundalo para mapanatili ang seguridad sa iba't-ibang rehiyon dahil sa presensya ng mga rebelde, private armies, at matinding away politika ng mga magkakalabang kandidato. "My highest respects to the army, police, teachers, watchers and all volunteers who served a peaceful and honest elections." "Salute to all the soldiers, policemen and teachers servants of our nation on guarding our election. Thank you for all of you, job well done." "God bless all of you for securing the election of our country, but please, hanggang sa bilangan sana at pagsesecure ng mga VCM." "Binubuwis nila ang buhay nila para sa bayan dapat tumbasin ng mga nanalong kandidato ng katapatan ang tungkulin nila para sa Bayang Pilipinas." |
Kinumpirma ng PNP na binawi nito ang dalawang police security ni Erwin Tulfo, pero kaagad nilinaw na wala umano itong kinalaman sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng broadcaster laban sa pagmumura sa kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isang dating mataas na opisyal na militar. "Based on standard protocols, the two PNP security personnel assigned to Erwin Tulfo will undergo the regular inspection, interview and debriefing this week following an assigned schedule among all PSPG [Police Security and Protection Group] personnel," saad ni PNP Spokesperson Col. Bernard Banac. Bukod kay Erwin, babawiin din ang police security ng kanyang mga kapatid na sina Ramon, Raffy, at Ben, para sumailalim sa kaparehong proseso. "All authorization of Tulfo siblings will undergo same review process as ordered by [Department of Interior and Local Government] Secretary [Eduardo] Ano," ani Banac. Kaagad namang nilinaw ni Banac na ang pagbawi sa police security ni Erwin ay walang kaugnayan sa mga kontrobersiyal na pahayag nito laban kay Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista. "No connection, but partly na highlight lang din dahil naka-schedule to report 'yung security detail niya this week to PSPG for their regular inspection and review," ani Banac. Matatandaang na pinagmumura ni Erwin si Bautista, retiradong heneral at dating commander ng Philippine Army (PA), sa kanyang programa sa radyo. Napaulat na tinawag ni Erwin si Bautista na "buang" nang tumanggi ang kalihim na magpa-unlak ng interview dahil kailangan daw ng formal request limang araw bago makapanayam si Bautista. "Sino ba itong buang na ito? Pasensya na, maski tao ka ni Pangulong Duterte, lelektyuran kita," sabi ni Erwin. Bukod dito, napaulat na tinawag din umano ni Erwin si Bautista na "demon" at nagbanta pang sasampalin ang opisyal at ida-dunk ang ulo nito sa inodoro sakaling magkasalubong sila. Humingi din naman ng sorry si Erwin kay Bautista, makaraang ulanin ng batikos, partikular mula sa mga aktibo at dating sundalo, kabilang ang mga dating kasamahan ng heneral, gaya ni senator-elect Ronald dela Rosa. "Kung sino man ang gustong mambastos at manakit sa napakabait at napakamaginoong upperclassman ko na ito, dumaan muna kayo sa akin para makita niyo ang brotherhood ng PMAyers," saad sa Facebook post ni Dela Rosa. "I apologize for the excessive rants. It's uncalled for. But to criticize Secretary Bautista, I think I have a right as a journalist and I will not take it back. It is not in our vocabulary to take back our commentaries and it is not [in] our options," sabi ni Erwin. |
Para kay incoming senator at dating PNP chief Gen. Ronald "Bato" dela Rosa, wala umanong problema kung sakaling makasama niya ng personal sa Senado ang nakakulong na si Sen. Leila de Lima. Sa isang panayam, inamin bi Bato na baka magka-seatmate pa sila ni De Lima kung sakali at maganda aniya itong pangyayari. Ito ay kung makakalaya umano si De Lima sa kanyang pagkakakulong ngayon sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center bago magpaso ang tatlong taon na natitira sa kanyang termino. Kung maaalala kabilang ang PNP sa nagdiin noon kay De Lima sa isyu ng drug charges. Si De Lima ay isa sa masidhing kritiko sa kampanya kontra droga ng PNP at administrasyong Duterte. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Bato sa nakamit na tagumpay matapos ang 2019 midterm elections. Ang "feeling" daw ni Bato ay isa pa siyang pulis at hindi pa "nagsi-sink in" na uupo na siya sa puwesto sa nalalapit na panahon bilang isang mambabatas. Nabanggit na rin ni Bato na sasailalim muna siya sa seminar o training para pag-aralan ang kalakaran ng trabaho sa Senado. Mababatid na si Bato ay nakapuwesto ngayon sa 5th spot sa "Magic 12" sa nagpapatuloy na partial at official count ng Commission on Elections (Comelec) sa senatorial race. |
Pasok na muli si re-electionist Sen. JV Ejercito sa winner's circle ng partial at official count ng Commission on Elections (Comelec) sa senatorial race, habang laglag naman sa 13th spot ang opposition candidate na si Sen. Bam Aquino. Ayon sa official and partial tally ng National Board of Canvassers (NBOC), umarangkada patungo sa 11th spot si Ejercito na mayroong 6,079,028 na boto. Ang pag-angat ni Ejercito ay siyang pagkalaglag ni Aquino sa 13th spot na may 5,722,776 na boto. Nagawang makalusot ni Aquino sa Magic 12 noong unang canvassing session ng NBOC. Sa ngayon, 89 sa 167 na certificate of canvass (COC) na ang nabibilang ng Comelec. Samantala sa partial at unofficial count ng Comelec, parehong hindi pa rin nakakalusot sina Ejercito at Aquino sa Magic 12. Nasa 13th spot si Ejercito habang nasa 14th spot naman si Aquino. Nasa 3% na lamang ng election returns ang hinihintay na maproseso para sa partial and unofficial tally ng Comelec. |
Inihayag ni dating PNP chief Ronald "Bato" Dela Rosa, na isa sa mga nangungunang senatorial bets, na nais niyang magkaroon ng seminars sa paggawa ng batas sakaling maluklok siya sa posisyon. Aminado si Baro na kailangan niya pang matutunan ang mga bagay na ginagawa ng isang senador. "Ewan ko kung meron bang seminar diyan, o ano bang training diyan para matutunan ko yung paano gawin 'yung batas. Ano bang trabaho namin diyan sa Senado? Kung merong ganon, I'll take that opportunity na para matuto ako," ani Bato. Kaugnay nito ay sinabi ni Baro na wala siyang balak na aralin kung paano gumawa ng batas kung gagawin ito sa University of the Philippines. Ayon kay Baro, alanganin siya sa UP dahil sa pagiging anti-military at anti-police ng unibersidad. Base sa huling partial at unofficial tally ng mga boto para sa May, 2019 midterm elections ay nakalikom si dela Rosa ng mahigit 18-million na mga boto at kasalukuyang nasa ika-limang pwesto. |
Dalawang suspek sa panununog ng vote counting machine (VCM) at iba pang election paraphernalia sa Jones, Isabela ang naaresto. Naaresto ng Philippine National Police (PNP) sina Jayson Leano at Rodel Pascual sa ikinasang manhunt operation sa grupo ng dalawang suspek kasabay ng 2019 midterm election. Sa inisyal na ulat, ibinibiyahe ang VCM at election paraphernalia ng mga miyembro ng board of election inspectors (BEI) patungo sa munisipyo ng bayan ng Jones nang harangin sila ng mga suspek sa bahagi ng Barangay Sta. Isabel. Pinababa umano ng mga armadong lalaki ang mga BEI at ipinasuko ang VCM at saka naman nila sinunog ang mga ito. Ang sinunog na VCM at election paraphernalia ay mula sa polling precinct numbers 0037A, 0037B, 0038A, 0038B at 0038P1 mula sa Barangay Dicamay I at polling precinct number 0039A, 0039B, 0039C, 0040 A 0040B at 0040P1 na mula naman sa Barangay Dicamay II. Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong Arson, Grave Threats at Robbery. |
Naging emosyonal si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nang malaman na dominado ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa kanyang balwarte matapos makuha ng lahat ng kanyang senatorial candidates ang top 12 sa kanilang siyudad. Sa kanyang Instagram post, sinabi ng alkalde na siya ay naging emosyonal matapos malaman ang naging buong suporta ng mga Davaoeno sa kanyang partido. "I am bowed and humbled. I am not a person who cries easily but when it was definite that Davao City delivered a 12-0 for Senators of HNP, the tears flowed and the sobbing followed," ayon kay Sara sa kanyang Instagram post. Kanya namang pinasalamatan ang mga Davaoeno sa suporta na ibinigay sa kanyang partido. "Daghang Salamat sa inyong tanan, I have said that I feel alone everyday stressing over making sure Davao is ok but when I need am in distress, Dabawenyos carry me on their back," aniya pa. |
Muling namayani ang pamilya Duterte sa Lungsod ng Davao sa pagtatapos ng 2019 midterm elections. Muling mauupong alkalde ang presidential daughter na si incumbent Mayor Sara Duterte-Carpio sa botong 570,731. Nanalo rin ang nakababata niyang kapatid na si Baste Duterte bilang bise alkalde ng Davao sa 548,729 na boto. Ito ang unang beses na makakukuha ng posisyon sa gobyerno si Baste, na pinakabata sa mga tumakbong Duterte. Si Paolo naman, na dating bise alkalde ng Davao City, tinalo ang dalawa niyang katunggali sa unang distrito ng Davao City sa botong 195,074. Sa kanyang Facebook post, nagpapasalamat si Paolo sa mga nagtiwala at bumoto sa kanya. "To the people of the first district of Davao, I thank you for choosing me as your representative in Congress. I am truly humbled and at the same time honored for your trust and support in me," he said. "A big thanks to my volunteers, friends, and family for their dedication and hard work in support of my desire to be of service to the betterment of the first district of our beloved city. You can expect that I will not only represent your voice in Congress but will also support President Rody Duterte so he can fulfill his plans and dreams for the nation," dagdag niya. Samantala, hindi nakikita ng Malacanang ang isyu ng political dynasty sa naging panalo ng mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong magkakaibang dynamics ang eleksiyon sa local level dahil kung ano ang gusto ng mga tao ay ito ang mananaig kahit pa magkakamag-anak ang uupo sapuwesto. "Local elections have different dynamics. Sila lang ang nakakaalam doon with respect doon sa mga tinatawag na may dynasty, kung okay sa kanila iyong kanilang pamumuno sa panahon ng kanilang pamumuno eh siguradong iboboto sila uli, ibabalik. Pero kung hindi na sila naniniwala sa kanila ay talagang tatanggihan sila sa halalan. Iyon ang nangyari," ani Panelo. "Kasi mayroong dynasty na maganda, mayroon ding dynasty na masama. And we have seen how the Filipinos or the Filipino electorate has rejected dynasties which they feel and believe to be no longer fruitful sa kanila; hindi beneficial sa kanila kaya ni-reject nila," dagdag pa ni Panelo. |
Napanatili nina re-electionist Cynthia Villar at Grace Poe ang pangunguna sa 2019 midterm senatorial race. Ito ay base sa partial and official count ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC). Ang Comelec ay nakapag-canvassed na ng transmitted results mula sa 34 certificates of canvass (COC) galing sa 130 clustered precincts sa iba't-ibang bahagi ng bansa at Philippine posts abroad. Base sa pinakahuling NBOC official count mula noong alas-9:30 kagabi: Si Aquino lamang ang pambato ng Otso Diretso ang nakaabot sa Magic 12. Humahabol sa ika-13 pwesto si Senador JV Ejercito at dating Senador Bong Revilla Jr. na nasa ika-14 na pwesto. |
Naniniwala si Atty. Larry Gadon na nabiktima siya ng dagdag-bawas sa katatapos na 2019 midterm elections noong Mayo 13 para makinabang ang mga kandidato ng administrasyon. Sa kaniyang Facebook post, sinabi nitong "napakarumi at madaya" ang nangyaring eleksyon. Giit ni Gadon na kataka-taka na 1 million lang ang naidagdag na boto sa nakuha niyang 2 million na boto noong tumakbo siya sa pagka-senador noong 2016. Mas popular din aniya siya ngayon at pinagkakaguluhan kahit saan magpunta maging sa social media kumpara sa ibang mga kandidato. "Naniniwala ako na nabiktima ako ng dagdag-bawas. Na-shave ang aking mga boto upang idagdag sa mga admin candidates. Ako ay nadaya. Ang boto ko ay nadagdag sa mga admin na mahina," ani Gadon. Tinawag pa nitong "Smartmagic" ang Smartmatic habang "Komolek" ang Comelec dahil naka-program na umano ang dayaan sa mga SD cards. Sa kanyang pahayag, iginiit pa ni Gadon na garapalan ang ginawa umanong pandaraya dahil mas grabe ang dagdag-bawas ngayon kumpara noong 2016. Paliwanag ni Gadon, wala pa sa kalahati ng 1-percent ang nabibilang noong itinigil ng 1:19AM at nagbilang muli ng 3:00AM at umabot na agad sa 92-percent ang nabibilang. Samantala, batay sa election returns mula sa 95.17 percent ng clustered precincts nationwide as of 5:53PM, nasa ika-28 si Gadon sa senatorial race sa botong 3,337,896. |
Hindi paman opisyal ang resulta ng bilangan sa katatapos na 2019 midterm elections, inangkin na ng Malacanang ang panalo ng mga kandidato ng administrasyong Duterte laban sa Otso Diretso ng oposisyon. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagagalak silang makita na mayorya sa mga administration candidates ay pasok sa 'Magic 12' ng ginaganap na canvassing ng mga boto. Kahit gumamit aniya ng black propaganda ang oposisyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito, malinaw na hindi ito tumalab sa mga botante dahil namayagpag sa bilangan ang mga administration candidates habang kulelat naman ang Otso Diretso ng oposisyon. "While the results of the elections are still unofficial, there appears to be an unstoppable trend towards a resounding victory of the administration's favoured senatorial candidates. Undoubtedly, the Duterte magic spelled the difference. The overwhelming majority of the electorate have responded to the call of the President to support those whom he said would help pass laws supportive of his goal to uplift the masses of our people and give them comfortable lives they richly deserve," ani Panelo. Pinasalamatan ni Panelo ang Otso Diretso at ang kanilang mga taga-suporta dahil sa magandang laban na ipinakita mula sa panahon ng kampanya hanggang sa araw ng eleksyon. "To the Otso Derecho candidates and their supporters, we thank you for giving your best shot and fighting a good battle. As we have said, we respect dissent as it vitalizes the democracy of our nation. In the end, however, it is the will of the people that prevails. While we expect dissent to continue, we hope that that same be demonstrated with fairness and within the bounds of the law, as well as with deference to the leaders duly chosen by the electorate," saad ni Panelo. Tiniyak ni Panelo na bagama't mayorya ng mga senador sa pagbubukas ng panibagong kongreso ay mga kaalyado ni Pangulong Duterte, hindi aniya maaapektuhan ang prinsipyo ng check and balance sa gobyerno. Pinasalamatan din ng Malacanang ang mga botante dahil naiparating nila sa pamamagitan ng kanilang mga boto ang kanilang kagustuhan para sa mga tao nilang nais na magsilbi sa kanila at sa bansa. "We laud the Filipino electorate for expressing their will in the strongest and unequivocal manner. With the successful holding of the elections, we have demonstrated to the world that we have a great order for democracy that can rise above the loud political noise," saad ni Panelo. |
Hindi pa tapos ang laban para kay Vice President Leni Robredo matapos na maging dominante ang mga kandidato ng administrasyong Duterte sa naganap na 2019 midterm elections. "Pagod man tayong lahat sa kampanya at sa mahabang araw kahapon, sulit ang lahat dahil pinanindigan natin ang ating mga prinsipyo at paniniwala. May laban pa tayong hinaharap," pahayag ni Robredo. Hinimok din ni Robredo ang publiko na maging vigilante at bantayan ang bilangan ng boto. "Hindi pa tapos ang bilangan, at kailangan pang bantayan. Ipinamalas ng ating mga kandidato at volunteers ang tapang at dedikasyon sa ating adhikain. Huwag natin ito bitawan. Paghugutan natin ng lakas ang bawat isa," aniya pa. Nanawagan ito sa mga Pilipino na magkaisa at ipagpatuloy ang laban. "Marami pa tayong kailangan gawin at marami pa tayong magagawa. Hanggang sa huli, sama-sama tayo sa labang ito," ani Robredo. Samantala, 9 sa 12 kandidatong nakapasok sa top 12 ay mula sa administrasyon at wala ni isang nakapasok sa opposition slate na Otso Diretso. |
Humingi ng paumanhin ang radio broadcaster na si Erwin Tulfo dahil sa mga naging patama nito laban kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista. Sa kanyang programang 'Tutok Tulfo' sa Radyo Pilipinas, inamin nito na labis ang kanyang 'excessive rant' patungkol sa dating heneral, sinabing hindi katanggap-tanggap ang kanyang naging outburst tungkol kay Bautista. "I apologize doon sa excessive na ranting, 'yung five minutes akong nagwawala. It's uncalled for," ayon sa kanyang programa. Ngunit aniya, hindi niya babawiin ang pagpuna kay Bautista dahil trabaho niya umano ito bilang mamamahayag. "Pero 'yung punahin si Sec. Bautista, I think I have a right bilang journalist at hindi ko babawiin 'yun. Dahil kaming magkakapatid wala sa bokabularyo namin ang bumabawi sa commentary and it is not our option," aniya pa. Nag-ugat ang pagsaring ni Tulfo dahil sa hindi pagtugon ni Bautista sa hiling na makapanayam tungkol sa plano ng ahensya matapos mapirmahan ang Magna Carta of the Poor, dahilan para murahin ito on air. "Tinatawagan ka namin para marining ng kababayang mahihirap ang stand ng mga mahihirap. Hindi yung sasabihan niyo kami na sumulat muna kayo five days before. Sino ka bang punyeta ka na kailangan ko pang sumulat sayo? Sagutin mo yung telepono mo dahil Secretary ka ng DSWD! Gustong marinig ng mga kababayan natin anong magagawa mo para sa kanila," saad ni Tulfo. "Sampalin kita pag nakita kitang buang ka. Wala akong pakialam kung retired general ka. Ingudngud ko yung mukha mo sa inidoro. Kung ako nahihirapan magka-access sayo, how much more ang mga mahihirap?" dagdag na pahayag ni Tulfo. |
Nag-concede na din sa 2019 midterm elections ang isa pang kandidato ng Otso Diretso na si Florin "Pilo" Hilbay. Sa kaniyang post sa Twitter, sinabi ni Hilbay na isa sa great privileges sa kaniyang buhay ay ang makapangampanya sa taumbayan. "The will of the people is supreme, so we respect the results of the elections. Congratulations to all the winners, may you serve the country well," pahayag ni Hilbay. "To all our HILBAYanihan volunteers: You all did whatever it took, and whatever you could. I am sorry that our resources did not match your brilliance, your heart, and your hope," dagdag niya. Samu't saring istorya aniya ang nadinig niya sa kampanya tulad ng kwento ng pag-asa, inspirasyon, at iba pa. Sinabi ni Hilbay na lahat ng ito ay hindi niya kalilimutan. Sa huli ay nagpasalamat si Hilbay sa mga sumuporta sa kaniya. |
Tinanggap na ng kandidato ng Otso Diretso na si Romulo Macalintal ang kaniyang pagkatalo sa 2019 midterm elections. Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Macalintal na nagpapasalamat siya sa oportunidad na maranasang maialok ang kaniyang serbisyo sa bayan. Dagdag ni Macalintal na lumilitaw sa resulta mula sa mga clustered precincts na mayorya ng mga botante ay pinili ang ibang mga kandidato at hindi siya. "Thank you for this great opportunity and rewarding experience to offer my services to all of you as a public servant in the Senate," the contender pahayag ni Macalintal. "But from the results coming from all the clustered precincts, it is clear that a great majority of our voters have chosen other candidates. And I respect their decision as I concede defeat in this senatorial race," dagdag niya. Nakuha ni Macalintal ang ika-26 na pwesto na mayroong 3,866,726 votes noong 11:15 ng umaga sa partial at unofficial results. Binati din ni Macalintal ang lahat ng mananalong senador na aniya nakakuha ng buong tiwala at kumpiyansa ng publiko para manilbihan sa susunod na anim na taon. Si Macalintal ang unang senatorial candidate mula oposisyon na nag-concede. |
Nasa 94.47% na ng election results ang pumasok sa transparency server ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Narito ang latest na partial at unofficial result para sa senatorial race as of 12:20 ng hapon ng Martes, May 14, 2019: |
Todo suporta ng Showtime host at comedian na si Vice Ganda ang isa sa mga senatorial candidate ng Otso Diretso na si Chel Diokno. "Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKNO. Iboboto ko siya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya," sabi ni Vice sa kanyang post sa Twitter. "Sana maisama niyo rin siya sa iboboto niyong 12," apela pa ni Vice sa kanyang mga followers. Ilan pa sa mga "CHELebrity" na sumuporta o nag-endorso kay Diokno ay sina Kris Aquino, Vilma Santos-Recto, Dingdong Dantes, Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Jaime Fabregas, Janine Gutierrez, Pepe Herrera, Chito Miranda, Ebe Dancel, Bullet Dumas, at Johnoy Danao ng 3D, Bayang Barrios, Noel Cabangon, Cookie Chua, Medwin Marfil ng True Faith, Bituin Escalante, at Buddy Zabala. Mababatid na nakatikim ng matinding banat si Diokno mula kay dating PNP chief Bato dela Rosa sa isang debate ukol sa death penalty at drug war ng administrasyon. WATCH: CHEL DIOKNO SUMALANG SA 'FAST TALK' |
Inilabas ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) ang umano'y listahan ng mga kandidatong senador na kanilang susuportahan sa darating na midterm elections. Ayon sa Facebook post ni Cesar Chavez, pawang mga kandidato na suportado ng administrasyong Duterte at ng Nationalist People's Coalition (NPC) ang mga inendorso ng INC. Kabilang sa mga susuportahan ng INC ay sila administration senatorial candidate Francis Tolentino, Bong Go, Bato dela Rosa, Sonny Angara, Cynthia Villar, Pia Cayetano at Imee Marcos. Kasama din sa listahan ng INC sila Hugpong ng Pagbabago (HNP) guest candidates Bong Revilla at Jinggoy Estrada pati na rin ang tatlong senatorial bets na bitbit ng NPC na sila Grace Poe, Lito Lapid at Nancy Binay. Nabokya naman ang Otso Diretso dahil wala kahit isang kandidato ng opposition coalition ang inendorso ng religious group. Malaki umano ang magiging papel ngayon ng INC sa nalalapit na halalan lalo pa at dikit-dikit ang mga numero ng mga kandidato base sa mga nagsulputang pre-election surveys. Mababatid na ang INC na may hindi bababa sa 3 million members at kilala sa kanilang bloc voting scheme. |
Malaki ang pasasalamat ng Austrian vloggers na sina Mike at Nelly sa naging aksyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa isang taxi driver na naniningil sa kanila ng sobra nang dahil lamang sa kanilang bagahe. Itinampok pa ng dalawang vloggers sa kanilang YouTube channel ang insidente kung saan tumanggi silang magbayad dahil alam nila kung magkano lamang ang nararapat na pamasahe lalo na't maka-ilang beses na din silang pabalik-balik ng Pilipinas. Agad naman nasakote ang taxi driver na nakilalang si Jhumil Bule na residente ng Taytay, Rizal sa pakikipagtulungan ng Intelligence and Investigation Department ng MIAA at ng Taytay PNP. Nakaharap mismo ni MIAA General Manager Ed Monreal ang naarestong taxi driver at planong irekomemda sa Land Transportation Office (LTO) na tuluyan nang ipawalang bisa ang lisensiya nito. Ipinag-utos din ni Monreal sa airport police na huwag ng papasukin ang lahat ng Davis Taxi sa lahat ng terminal ng NAIA kung saan pumapasok bilang driver si Bule. Bukod dito, ipinagbawal na din ng MIAA na pumila sa NAIA Terminal 1 ang iba pang puting taxi bilang pasimula sa tuluyang pagbabawal sa kanila na pumila at kumuha ng pasahero sa apat na airport terminal sa Metro Manila. "Beginning last Monday, May 6, we have removed the white taxi queuing lane in NAIA Terminal 1 as a prelude to eventually putting an end to the privilege given to them to line up and pick up passengers in the four (4) Terminals, " ayon kay Monreal. "While we do not intend to limit the choices to MIAA accredited transport, we are also duty bound to protect our passengers from enterprising drivers. This campaign against abusive taxi drivers also extends to the drivers of MIAA accredited transport services. No one is exempted here. We have no room for people who continue to destroy the reputation of NAIA and damage the image of our country before the world. Sadly, this people simply have no love for country," dagdag niya. |
Itinuro ng Malacanang na si Bong Banal umano ang narrator sa lumabas na "Ang Totoong Narcolist' propaganda video. Sa briefing sa Malacanang, sinabi na si Banal ay isang miyembro at administrator ng ilang mga Facebook group at page na kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte at sumusuporta sa Liberal Party. Ayon pa sa presentasyon sa briefing, si Banal ay nagtatrabaho bilang photojournalist at graphic artist para sa Rappler, na matatandaang kasama sa "oust-Duterte matrix" na gusto umanong mapatalsik ang Pangulo. Napag-alaman na may kontribusyon si Banal sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Kabilang sa mga pangalang lumabas sa presentasyon ay sina Sen. Antonio Trillanes III, Ellen Tordesillas, dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Cocoy Dayao, Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) founding Chairman Joma Sison, Arman Potejos at si Rodel Jayme na una nang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI). |
Kinumpirma ng Malacanang ang sabwatan ng opposition group na Liberal Party, Magdalo, at ilang media outfits sa umano'y planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ay ginawa ng oposisyon para makatulong sa kanilang mga pambato sa pagka-Senador sa darating na eleksyon. "The President has received intelligence information that has been validated and appears to show that there is deliberate attempt to discredit this administration, as well as to boost the candidacies of the opposition, senatorial candidates," saad ni Panelo. "And it appears that there are certain groups who are working together to achieve this goal. This group appears to be the Liberal Party. Some personalities identified as advocates or very active in social media, dishing out anti-Duterte statements and sentiments and validated to be allied with the Liberal Party," dagdag niya. "The other group by the way is Magdalo. It appears from this diagram that Liberal Party, the Magdalo and other groups indicated in the matrix are working hand in hand," punto ni Panelo. Matatandaan na naglabas ng matrix ang Malacanang ukol sa mga media outfits na gustong mapatalsik ang Pangulo, ilan sa mga kasama ay ang Rappler, Vera Files, Philippine Center for Investigative Journalism at National Union of People's Lawyer. |
Nakumpiska ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang campaign materials ng Bayan Muna at Kabataan party-lists sa kuta ng rebeldeng New People's Army (NPA) sa bayan ng Rizal sa Palawan. Ayon sa militar, ito raw ang nagpapatunay na may ugnayan ang militanteng grupo sa mga rebeldeng komunista. "This could prove or this could show us that they are being helped (by the rebels). If they don't go there, and yet their campaign materials are recovered in the NPA camp, it is an indication that they communicate or have a link," ayon kay AFP spokesperson, Marine Brig. Edgard Arevalo. Maliban sa mga campaign paraphernalia, nakumpiska din ng militar ang ilang bala, .50 caliber "Barrett" type sniper rifle, suppressor ng M-14 assault rifle, at mga libro. Una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang party-list groups ang nagpopondo sa NPA at ang pondong nakukuha ng mga rebelde ay ipinambibili umano ng armas. |
Ilang taon nang hindi maka-detect ng mga submarine ang Philippine Navy mula sa mga kapitbahay na bansa na nagkukubli sa karagatan ng Pilipinas. Pero dahil nabiyayaan sila ng dalawang anti-submarine choppers, may kakayanan na ang Philippine Navy na maka-detect nito. Dumating kasi ang dalawang AgustaWestland AW159 Wildcat helicopters noong Martes, ayon kay Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad. "It's a great leap to our capability that we have equipment that can locate subsurface, submarines, we can detect the submarines going through our waters," ani Empedrad. "It can detect and it can sink, it can destroy submarines because these choppers have torpedoes and it is not only for detection, it can destroy too, so, this has a good capability but because the waters are too wide, we will need more of it," dagdag niya. Nabili ang dalawang helicopter ng P5.4 billion kasama na ang mission essential equipment, munition, at integrated logistic support. "Limited lang yung makikita dahil dalawa lang, ang luwag-luwag ng dagat natin. Pero at least yung mga nasa sea lanes of communication natin pwedeng ma-monitor kung may dumaan na submarines," aniya pa. Kaya umano nitong makawasak ng mga submarine dahil mayroon itong torpedoes. |
Sapul sa video ang pag-aangas ng isang sundalo sa mga tauhan ng Metro Manila Development Autority (MMDA) nang sitahin ito dahil sa illegal parking. Buti na lang at dumating si MMDA Suprivising Officer Col. Bong Nebrija na dating umanong miyembro ng Pilippine Navy. Nagkataon na kaklase pa pala ni Nebrija ang boss ng nagmamatigas na sundalo. Sa huli, napag-alaman na hindi lang illegal parking ang violation ng sundalo dahil wala rin itong maipakitang driver's license. Wala ng nagawa ang sundalo nag i-tow ng MMDA ang kanyang sasakyan. Ito po ang reaksyon ng mga kababayan natin sa inasal ng sundalo. Source: GMA News | GMA News |
Nanganganib masipa sa pwesto ang apat na cabinet secrataries ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil isyu ng korapsyon at droga. Napag-alaman na ang isang kalihim ay may hindi maipaliwanag na yaman, habang ang isa ay ginagamit umano ang posisyon sa kanyang negosyo, ang isa naman ay masyado raw magastos at ang pinakahuli ay konektado umano sa drug at crime syndicate. Mayroon din mga dating generals, mga kongresista, mga huwes at piskal ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC). Ayon sa PACC, aprubado ng Pangulo Duterte ang kanilang imbestigasyon. "Ang sabi ho sa akin ng Pangulo ay walang pilian, walang sisinuhin. So yung mga reports na andiyan, whether it's a secretary or congressman, puwede ho iyan i-lifestyle check," sabi ni PACC Commissioner Greco Belgica. |
Hindi pa nai-enjoy ni Giacomo Filibeck ang Pilipinas ay agad na itong sinipa palabas ng bansa. Dumating sa Cebu si Filibeck para maging bisita sa Akbayan Partylist Congress pero ito ay na-detained sa Mactan-Cebu International Airport at kalaunan ay dineport palabas ng Pilipinas. Si Filibeck ay Deputy Secretary General of the Party of European Socialists in the European Parliament. Isa si Filibeck sa mga EU Politicians na bumisita sa bansa noong Oktubre 2017 para kundenahin ang kampanya kontra-droga ng Duterte Government. "Akbayan condemns, in the strongest terms, the detention and deportation of European human rights leader Giacomo Filibeck. Filibeck, the Deputy Secretary General of Party of European Socialists, has been barred from entering Cebu, Philippines on Sunday, April 15 on his way to join the Akbayan Partylist Congress where he was invited as guest. He was held at the Cebu airport and immediately deported," sabi ng Akbayan. Basahin ang mga reaksyon ng mga kababayan natin sa sinapit ni Filibeck. Masaya ba kayo sa pagpapa-deport kay Filibeck? Source: politiko |
Sa isang pahayag, binatikos ng Liberal Party (LP) ang pagkuwestiyon ng kampo ni former senator Bongbong Marcos sa teknikalidad sa 2016 elections. Ayon sa LP, ginagawa lang daw ito nila Marcos para siraan si bise presidente Leni Robredo at para nakawin ang posisyon ni Leni. Inalmahan din nila ang 50% shade threshold na ipinatutupad ng Presidential Elecotral Tribunal. Kamakailan lang ay nai-ulat na natapyasan si Leni ng humigit-kumulang 5,000 boto dahil ang karamihan sa mga boto nito ay 25% lang na-shade sa marking area sa balota. |
Panoorin nyo yung reaction video na ito ni Mr. Claro the Third. Trending na ito ngayon sa social media. A total of 228,553 views as of this writing. Bakit kaya naging trending ito? Dahil ata sa title? You may watch the video on this link . |
Para sa mga magkakapatid na laging nagtatalo lalo na noong bata pa, siguradong naka-relate din kayo sa mala-aso't pusa na pag-aaway nina Bilog at Bunak na viral ngayon! Grabe kasing tatama sa puso ninyo at maibabalik ang iyong nakaraan kaya talagang naging viral ang video ng dalawang magkapatid na ito. Sa sobrang kasikatan ng dalawang magakapatid na ito, dumami ang gumaya sa kanila at gumawa ng parody. Isa na dito si Yaya Dub na talagang nagbabalik na sa pag da-dubsmash. Maaalala nyo na dito sya nag simulang sumikat nung nag million hits ang kanyang dubsmash. Ngayon naman ang viral ay ang magkapatid na Bilog at Bunak. Mapapanood nyo dito ngayon ang soundtrack. Here is the link. |
Grabe ibang klase talaga si Vice Ganda kung magpatawa at ang dami nya talagang gimik sa tv. Ngayon naman na dare sya ng MOR radio station para i -prank si Mr. Ogie Diaz. Nakaktuwa talaga ang mga linya ni Vice Ganda, talagang likas na creative talaga si Vice parang normal na lang sa kanya ang ganito. You may watch the video on this link . |
Subsets and Splits
No saved queries yet
Save your SQL queries to embed, download, and access them later. Queries will appear here once saved.